Monday, December 23, 2024

[FACT-CHECK] Walang ine-endorso na barley powder drink si Doctor Willie Ong

Share

By: Christana Shakira Caparas

CLAIM: Nag-post ang isang Facebook page na ine-endorse ni Dr. Willie Ong ang Navitas Barley Grass Powder sa pamamagitan ng isang video.

RATING: HINDI TOTOO

Hindi ine-endorso ng celebrity doctor Willie Ong ang Navitas Barley Grass Powder. Isang Facebook page ang nagpakalat ng maling claim na nagsasabing ine-endorse daw ng doktor ang produkto.

Ang isang Facebook page na may pangalan na “Doc Willie & Lizzie Ong’s.Official” at may 88 followers ay nagpapanggap na siya ang cardiologist na si Doctor Willie Tan Ong. Ginagamit ito para maloko ang mga tao na bumili ng isang unregistered na produkto na tinatawag na “NAVITAS Barley Grass Power” noong March 15, 2024.

Hindi totoo ang post na ito dahil ayon din sa Food and Drug Administration of the Philippines (PDA), hindi registered at walang dinaanan na safety checks ang produktong ito.

In-issue na ang FDA Advisory No. 2023-1869 para balaan ang paggamit ng produktong ito at inabisuhan na nila ang mga konsumer na maging maingat at bumili lamang ng food products na dumaan sa tamang safety checks.

“Naawa ako sa mga bumili ng Navitas Organic Barley sa halagang 1299₱ noong nakaraang linggo. Hindi ko akalain na TODAY ay may magandang deal, 108₱/kahon lang kung mag-o-order sa tunay offical [official] website na ito,” sabi ng page.

Habang pino-promote ang unregistered na produktong ito, ginagamit din nila ang picture ni Doctor Willie Ong at nilalagay ito sa kanilang mga produkto at kahit sa website nila.

Ang opisyal na Facebook page ng doktor ay “Doc Willie Ong” at mayroong 17 million followers na may kasama pang verified badge. Walang kahit anong public statement o post mula sa page niya na nag-e-endorse sa naturang produkto.

“Since this food product has not gone through evaluation process of the FDA, the agency cannot assure its quality and safety,” ayon sa FDA.

(Dahil hindi dumaan ang produkto sa evaluation process ng FDA, hindi masisigurado ng ahensiya ang kalidad at kaligtasan nito.)

Nirerekomenda ng FDA na mag-research at maghanap ng tamang sources ang mga konsumer pag bumibili ng food products o supplements.

MGA EBIDENSIYA:

https://www.fda.gov.ph/fda-advisory-no-2023-1869-public-health-warning-against-the-purchase-and-consumption-of-the-unregistered-food-product-navitas-barley-grass-powder/

https://www.facebook.com/DocWillieOngOfficial

***
Ang artikulong ito ay kontribusyon ng De La Salle University – Dasmariñas’ (DLSU-D) sa proyekto ng Asian Network of News and Information Educators (ANNIE) School Net’s campus fact-checking project na naglalayong magtatag at magpatakbo ng fact-checking newsroom na binubuo ng mga estudyante. Ang ANNIE project ay suportado ng grant mula sa Google News Initiative. Ang GreenFM ang opisyal na midya ng DLSU-D sa ANNIE project.

Read more

Local News