Sunday, December 22, 2024

Cavite nagdeklara ng state of Calamity sa gitna ng Pertussis outbreak

Share

Isinailalim ang Cavite sa State of Calamity sa gitna ng patuloy na pagkalat ng Pertussis o Whooping Cough sa probinsiya.

Nitong Marso 27, 2024, ipinasa ng Sangguniang Panlalawigan ng Cavite ang Resolution No. 3050-2024 bilang parte ng kanilang paghahanda upang pigilan ang pagkalat ng Pertussis.

Nakalagay din sa nasabing resolusyon na mayroon nang naitalang 36 na kaso ng Whooping Cough sa buong lalawigan ng Cavite.

ANO NGA BA ANG PERTUSSIS?

Ang Pertussis na tinatawag ding Whooping Cough o Ubong-Dalahit ay isang lubos na nakakahawang respiratory infection na dulot ng Bordetella pertussis bacteria.

Ito’y nagdudulot ng matinis na pag-ubo na resulta ng pagkaubos ng hangin sa baga.

Ang mga bata at sanggol ang isa sa mga pinakamadaling mahawahan ng nasabing sakit.

PAANO ITO NAKAKAHAWA?

Ayon Center for Disease Control and Prevention, maaring makahawa ang isang taong may pertussis sa pamamagitan ng droplets na mangagaling sa ilong o bibig ng maysakit.

Mag-uumpisa agad itong makahawa kapag nagpakita na ng sintomas ang pasyente.

ANO ANG MGA SINTOMAS?

Ang sintomas ng Pertussis ay kadalasang lumalabas sa loob ng apat hanggang 21 na araw matapos mahawahan ang indibidwal.

Hinati rin ng mga eksperto ang Pertussis sa tatlong stage:

Stage One (1-2 linggo): 

  • Sipon na walang tigil sa pagtulo.
  • Pagbahing.
  • Mababang Lagnat.
  • Paminsan-minsan na pag-ubo.

Stage Two (1-2 buwan):

  • Malala at tuloy tuloy na pag-ubo na maaring umabot sa pagkaubos ng hangin sa baga ng pasyente.
  • Matinis na tunog pagkatapos umubo.
  • Pagsusuka matapos ang matinding pag-ubo.
  • Panghihina ng katawan.

Stage Three (Recovery Phase)

  • Mabagal ang pagbuti ng kalagayan ng isang may Pertussis.
  • Maaring bumalik ang mga malalang sintomas kapag nagkaroon muli ng sakit sa baga ang isang taong nagkaroon na ng Pertussis.

Iba rin ang sintomas sa mga sanggol na nagkaroon ng Pertussis dahil sa hindi sila umuubo, ngunit nakakaranas sila ng hirap sa paghinga o biglaang pagtigil ng paghinga na tinatawag ding Apnea.

ANO ANG MGA DAPAT GAWIN KAPAG NAGPAKITA KA NG SINTOMAS NG PERTUSSIS?

  • Magpatingin sa doktor sa lalong madaling panahon upang maiwasan na makapaminsala pa ang Pertussis sa inyong katawan.
  • Inumin ang mga antibiotic na irerekomenda ng doktor.
  • Kumain ng kaunti kada ilang oras para mabawasa nang pagsuuska.
  • Uminom ng tubig, juice, o kahit anong makakatulong upang maiwasan ang dehydration
  • Huwag uminom ng gamot sa ubo kung hindi ito inirekomenda ng doktor lalo na kung ang pasyente ay nasa edad apat pababa.

PAANO MAIIWASAN ANG PERTUSSIS?

Maaring maiwasan ang Pertussis sa pamamagitan ng pagsosoot ng facemask at pagpapaturok ng Tetanus, diphtheria, and pertussis (Tdap) vaccine para sa matatanda at Diphtheria, tetanus, and pertussis (DTaP) vaccine para naman sa mga edad pitong taon pababa.

Libre ang bakuna laban sa Pertussis sa mga local health centers.

Russell Aguila
Russell Aguilahttp://digisalle.com
A Digital and Multimedia Journalism Student at the De La Salle University – Dasmariñas. A freelance writer since 2014. DigiSalle's project co-head and currently webmaster of Digisalle.com.

Read more

Local News