By: Kyle Cartagena
CLAIM: Pinondohan ang mga sasakyan ni Senador Risa Hontiveros gamit ang pondo ng bayan para sa kanyang pansariling intensyon habang si VP Sara Duterte naman ay hindi inilagay ang kanyang mukha sa libro na proyekto ng DepEd.
RATING: MISSING CONTEXT
Ang mga sasakyan ni Sen. Risa Hontiveros ay binili gamit ang pera ng gobyerno para sa kanyang sariling kapakanan habang ang mukha ni VP Sara Duterte (wait di q to gets)
Sa pagdinig ng Senado sa budget ng Office of the Vice President (OVP) nitong Agosto 20, 2024, tinawag ni Senador Risa Hontiveros ang atensyon ng Senado sa 100 milyong pisong paglalaan ng OVP para sa kanilang proyekto na Million Learners and Trees Program.
Kasamang pinondohan ng proyekto ang pag-imprenta at distribusyon ng libro ni Duterte na pinamagatang “Isang Kaibigan” sa lahat ng eskwelahan sa Pilipinas. Nagkakahalaga ng sampung milyong piso ang pondo para sa nasabing libro.
TIGNAN: ANC 24/7 – Full Coverage of the Senate Hearing for the OVP Budget [35:49 – 36:40 ]
Sa parehong araw ay naglathala ng video ang isang TikToker na mayroong 79,900 followers kung saan ay makikita ang ilang mga larawan ng mga sasakyan na naka-imprenta ang mukha ni Hontiveros.
Ayon sa TikToker ay ginamit umano ni Hontiveros ang pera ng bayan para ilagay ang kanyang mukha sa nasabing mga sasakyan habang si Duterte na gumastos ng sampung milyong piso para sa kanyang libro ay hindi ito ginawa.
Nitong Septyembre 20, 2024 ay umabot na sa 250,900 views at 4,305 ang nasabing video sa TikTok at patuloy itong nakakakuha ng atensyon mula sa mga netizens.
Base sa isang video na inilathala ng GMA News, makikita ang kabuuang laman ng libro kung saan makikita ang imahe ni Duterte sa kanyang pang-wakas na salita.
Kasunod nito ay makikita rin ang isa pang sasakyan kung saan ay makikita ang isang patalastas ng PhilHealth kung saan kasama rin si Hontiveros na dating direktor ng ahensya.
Naging direktor si Hontiveros ng Philhealth mula 2014 hanggang 2015.
Sa isang panayam, sinabi ni Attorney Alex Padilla, Chief Executive Office at Presidente ng PhilHealth noong mga panahong ‘yon na hindi nagbayad ang PhilHealth para sa mga nasabing patalastas ni Hontiveros.
Nang tanungin naman siya kung ginamit nga ba ni Hontiveros ang ahensya para gawing batong-tuntungan sa kanyang pagpasok sa politika, sinabi ni Padilla na: “Ayokong sabihin ‘yon. Kung ako ang tatanungin, kami sa [Philhealth] kailangan namin ng matinding pagpapakalat ng impormasyon para maabot ‘yung mga nasa laylayan etc, at sa totoo lang, maganda ‘yung mga nagawa niya,”
Dagdag pa rito ang naging ulat ng Commission on Audit kung saan ay wala silang nakita na paggamit ni Hontiveros ng pondo ng PhilHealth para sa kanyang pansariling pakinabang.
Kung susumahin ay walang ginamit na pondo ng gobyerno para sa mga patalastas at pumayag ang PhilHealth na gawing mukha ng ahensya si Hontiveros dahil sa kanyang mga magandang nagawa sa serbisyo publiko.
Gayunpaman, ang ikalawang sasakyan na makikita sa video ay maaring ituring na paggamit sa pondo ng bayan dahil maituturing ang nasabing behikulo na pagmamay-ari ng opisina ni Hontiveros sa Senado na ginagamit sa pagdadala ng mga kalakal at serbisyo sa ilalim ng “Liwanag and Lingap” – Field Hospital Program.
Makikita naman sa ilang post ng nasabing TikToker na karamihan ng kanyang mga content ay nakapabor sa mga Duterte, kasama na dito si VP Duterte at si dating pangulong Rodrigo Duterte, kaya’t maituturing siya na isang pro-Duterte.
Mga Sanggunian:
https://vt.tiktok.com/ZS2jWfMEA/
https://youtu.be/3Xque5DBpiY?t=2149
https://www.facebook.com/watch/?v=1409735369723816
https://www.youtube.com/watch?v=bt12QLvjomA
https://www.facebook.com/angatbuhaypateros/posts/pfbid02K5qMynNrU1PfTd6ibCwnZcr8eAEH9GArYgtTj66ReqnyhJyuR9kVryRBT3w6fKRVl
https://www.tiktok.com/@klc4.0/video/7407866551803694337
https://www.tiktok.com/@klc4.0/video/7406153658557058320
https://www.tiktok.com/@klc4.0/video/7402330915516534033
***
Ang artikulong ito ay kontribusyon ng De La Salle University – Dasmariñas’ (DLSU-D) sa proyekto ng Asian Network of News and Information Educators (ANNIE) School Net’s campus fact-checking project na naglalayong magtatag at magpatakbo ng fact-checking newsroom na binubuo ng mga estudyante. Ang ANNIE project ay suportado ng grant mula sa Google News Initiative. Ang GreenFM ang opisyal na midya ng DLSU-D sa ANNIE project.