By: Margaret Joenne Macaraeg
CLAIM: May mga lumaganap sa Facebook na screenshots ng naturang posts ng nanay ni Carlos Yulo na si Angelica Poquiz Yulo, kung saan itinuturing niya ang kanyang anak bilang “ungrateful” at “selfish.”
RATING: HINDI TOTOO
Nabigyan ng spotlight ang mga isyu sa social media tungkol sa ugnayan ng two-time Paris Olympics gold medalist na si Carlos Yulo at ang kanyang pamilya. Ang kanyang ina na si Angelica Yulo ay patuloy na naging paksa sa mga tsismis at haka-haka dulot na rin ng kanyang partisipasyon sa mga panayam, na mali ang pagka-presenta sa mga fake accounts.
Ang sumikat na post ni Mrs. Yulo sa kaniyang opisyal na Facebook account, Angelica Poquiz, simula Agosto 1, ay nakatanggap ng atensyon at iba’t ibang mga reaksyon mula sa mga netizens. Ang ibinahagi niya pa ngang komento na “Japan pa din talaga… lakas.” (It’s still really Japan’s… power) ay naibahagi ng Rappler.
Sa araw rin ng pag-repost na iyon, natapos na ang Olympic Games Paris 2024 Men’s Artistic Gymnastics Individual All-Around rankings, at nasungkit ni Carlos Yulo ang ika-labindalawang puwesto. Pinuri ni Angelica Yulo ang isang hapones na gymnast ngunit hindi binati ang tagumpay ng sariling anak.
Noong Agosto 4, mas lalong nag-init ang isyu dahil sa panayam ni Mrs. Angelica sa Bombo Radyo Philippines, kung saan nagpahayag siya ng mga usapin tungkol sa pera at sinabing si Chloe Anjeleigh San Jose, ang nobya ni Carlos Yulo, ang dahilan kung bakit nagkaroon ng distansya ang gymnast sa kanyang pamilya.
Ang naisapublikong hindi pagkakaunawaan ng Olympic champion at ng kanyang ina ay naging trending sa iba’t ibang mga social media platforms.
Mga in-edit na screenshots at mga fake accounts ay lumaganap, kung saan ipinapakita na si Angelica Poquiz Yulo ay inaakusahan ang anak bilang “stingy” at “ungrateful” sa kanya.
May mga posts pa na ipinapahayag na sinabi ito ni Mrs. Yulo: “Walang anak na nagdadamot sa magulang, tandaan mo yan!” (No child is withholding toward their parents, remember that!)
Ngunit ito ay salungat sa kanyang sinabi sa mga mamamahayag noong Agosto 4, “’Di ko rin kasi makita ‘yung sa luho na sinasabi ng mga tao… wala akong luho.” (I also don’t see the luxury that people are talking about… I don’t have any luxuries.)
Ang mga lumaganap na posts ay nagpakita ng kanyang kakulangan ng tiwala sa Filipino two-time Gold medalist: “Hindi niya deserve ng suporta ko, at matawag na anak. Olympics Champion ka nga, pero di kami proud.” (He doesn’t deserve my support or to be called my child. You may be an Olympic champion, but we are not proud.)
Gayunpaman, sa parehong interview, ibinunyag ni Angelica Yulo na sa kabila ng kanyang pagdaramdam, masaya siya para sa kanyang anak sa pagsungkit ng ginto: “Syempre ‘no pangarap niya ‘yan, so sabi ko nung nag-uusap kami kung manalo siya, good for him… nag-paid off lahat ng mga sacrifices niya.” (Of course, it’s his dream, so I told him when we talked that if he wins, good for him… all his sacrifices have paid off.)
Ang mga litrato ay nagpapakita ng caption na ipinapahayag na sinabi ni Angelica Poquiz Yulo, ngunit ang mga ipinaskil nilang links sa posts ay dumederetso lamang sa mga online shopping platforms.
Ang kaayusan ng mga screenshots ay kahalintulad ng Facebook post na pinapakita ang bilang ng mga reaksyon, komento, at pagbabahagi. Gayunpaman, ang post ay nauugnay rin sa X (dating Twitter) na account na hindi umiiral, nagpapakita ng “no search results.”
Sa isang press conference noong Agosto 7, dinepensahan ni Atty. Raymond Fortun si Angelica Yulo at nilinaw na ang kaniyang kliyente ay hindi responsable sa mga fake posts na naglalaman ng salitang “madamot”: “’Yon ay kagagawan ng malisyosong mga tao… na ang tanging layunin lamang ay dungisan ang pangalan ni Mrs. Yulo at para maging clickbait ito.” (That was the doing of malicious people… whose sole intention was to tarnish Mrs. Yulo’s name and turn it into clickbait.)
Hindi tinanggihan ng abogado ni Angelica Yulo ang pag-iral ng kanyang opisyal na Facebook account na nagpakita ng suporta sa Japan, pero sinabi rin niyang walang X (Twitter) account si Angelica.
MGA SANGGUNIAN:
https://www.facebook.com/100090170838684/posts/pfbid02SxDHQcnQHsz1h6AW7xmt4SHjzBEx5NnEL5XpaMoKQEgHNkhRzxEnbXpxjjnStCQol/?app=fbl https://www.facebook.com/100047632226009/posts/pfbid02v9kc29vtbF7oquJJpf928RGBV93W2tqbKtyq1cE8m34Qftaho2VQJ3unzWHCiYjEl/?app=fbl https://www.facebook.com/photo/?fbid=10160017521877057&set=a.451232187056 https://www.facebook.com/angelica.yulo
https://www.facebook.com/watch/?v=520877423947575
***
Ang artikulong ito ay kontribusyon ng De La Salle University – Dasmariñas’ (DLSU-D) sa proyekto ng Asian Network of News and Information Educators (ANNIE) School Net’s campus fact-checking project na naglalayong magtatag at magpatakbo ng fact-checking newsroom na binubuo ng mga estudyante. Ang ANNIE project ay suportado ng grant mula sa Google News Initiative. Ang GreenFM ang opisyal na midya ng DLSU-D sa ANNIE project.