Sunday, December 22, 2024

[FACT-CHECK] Walang sakit si ‘Mr. Bean’ actor Rowan Atkinson

Share

By: Russell B. Aguila

CLAIM: Claim ng ilang social media posts na may sakit at nakaratay si Rowan Atkinson.

RATING: HINDI TOTOO

May hinaharap na namang maling balita ang aktor at komedyanteng si Rowan Atkinson tungkol sa kanyang kalusugan.

Ang ilang social media pages ay nag-post ng picture ng isang matandang lalaki na kahawig si Atkinson habang nakahiga sa kama.

Walang ebidensya na may kinahaharap na problema sa kalusugan si Atkinson.

Ayon sa IMDb, ang production ng pelikulang Johnny English 4 kung saan kasama si Atkinson ay magpapatuloy. Naka-set ito sa Malta at sa United Kingdom sa Hunyo 2024.

Kung may sakit si Atkinson at hindi na makabangon sa higaan, hindi na dapat matutuloy ang pelikula kung saan main character si Atkinson.

Nakuhanan din ng litrato si Atkinson noong Mayo 8, 2024 sa isang Thanksgiving at memorial service sa Westminster Abbey sa London.

Ang kumalat na picture ni Atkinson na may sakit sa higaan ay kumakalat na sa social media simula Enero.

Wala ring opisyal na statement mula sa kampo ng aktor tungkol sa kalusugan niya.

Hindi ito ang unang beses na may kumalat na pekeng balita tungkol kay Atkinson – noong 2012, 2016, 2017, at 2018, nagkaroon ng maling report na pumanaw na siya.

Pinaniniwalaan na ang kasikatan ni Atkinson ang isa sa mga dahilan kung bakit lagi siyang ginagawan ng mga pekeng balita tulad nito dahil nakakaani ng maraming engagements mula sa fans ang maling balita tungkol sa kanyang pagkamatay sa social media.

***

Ang artikulong ito ay kontribusyon ng De La Salle University – Dasmariñas’ (DLSU-D) sa proyekto ng Asian Network of News and Information Educators (ANNIE) School Net’s campus fact-checking project na naglalayong magtatag at magpatakbo ng fact-checking newsroom na binubuo ng mga estudyante. Ang ANNIE project ay suportado ng grant mula sa Google News Initiative. Ang GreenFM ang opisyal na midya ng DLSU-D sa ANNIE project.

Read more

Local News